Intoxicated

Something I wrote recently, inspired by a movie. Then, belatedly, I realized that this was also about something (and someone) that happened a few years back.

Nakailang bote ka na

Hindi mo na madama
ang mga kamay mo
mukha mo
pag-aalinlangan
mga takot mo

Wala ka nang magagawa

Lumabas na

Yung ilang oras mo nang pinipigilan
Nagpupumiglas

Yung ilang taon mo nang iniiwasan
Nagsisilabasan

Mahalkitamahalkitamahalkita
Mahal kita, matagal na.

Ngayong naisuka mo na

Hindi mo na pwedeng ibalik
Yung sandamakmak na alak na tinungga mo
Yung mga salitang matagal mo nang nilulunok

Ngayon, dalawa na lang ‘yan–
“Kadiri ka, linisan mo ‘yan, ayokong makita yan”
o
“Tara na, umuwi na tayo, aalagan kita”

Dalawa na lang ‘yan
At kahit ano pang itugon niya
Wala ka nang magagawa

Hindi mo sya mapipilit

Alagaan ka
Mahalin ka pabalik

Hindi nya kasalanang nagsuka ka.

Sino bang naglasing?
‘Di ba ikaw?

Sino bang nagmahal?
‘Di ba ikaw?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s